Direksyon sa pamamahala ng Marcos Administration, sinasalamin ng “Bagong Pilipinas” slogan ayon sa mga senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, malinaw na ipinapakita ng bagong slogan ng administrasyon na “Bagong Pilipinas” ang direksyon at layuning nais makamit sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Villanueva, nakikiisa siya kay Pangulong Marcos Jr. sa hangaring tiyakin na uunahin ng pamahalaan ang kapakanan at interes ng mga Pilipino sa pamamagitan ng good governance.

Ang slogan ay isa aniyang paalala sa lahat ng opisyal at kawani ng gobyerno ng mga katagang ‘public office is a public trust’.

Sinabi naman ni Senador Chiz Escudero, na ang “Bagong Pilipinas” slogan ay sumasagisag ng bagong simula.

Umaasa si Escudero, na mahihikayat nito ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na huwag magpadala sa mga frustration at kabiguan ng nakaraan, at mas pagbutihhan ang trabaho ngayon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us