Disaster response teams ng PRO-MIMAROPA, nakahanda na sa bagyong Egay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ni Police Regional Office (PRO) MIMAROPA Regional Director Police Brigadier General Joel Doria ang pag-activate ng kanilang mga disaster response team sa rehiyon bilang paghahanda sa paparating na bagyong Egay.

Ayon kay Brig. Gen. Doria, nagpatupad na ang PRO-MIMAROPA ng pro-active measures, kabilang ang pag-pre-position sa kanilang mga disaster response team at mahahalagang kagamitan at supply sa mga lugar na maaaring maapektohan ng bagyo.

Nakikipag-coordinate din aniya ang PRO-MIMAROPA sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang maibsan ang mga potensyal na epekto ng bagyo sa rehiyon.

Payo naman ni Doria sa mga mamamayan na siguraduhin ang kanilang home-security sa pamamagitan ng pag-fortify sa mga bahagi ng kanilang bahay na bulnerable sa malakas na hangin at ulan; maghanda ng emergency kit na may pagkain, first aid supplies, flashlight, baterya at mahahalagang dokumento; at patuloy na mag-monitor ng sitwasyon at sumunod sa abiso ng mga awtoridad.

Tiniyak ni Doria na handa ang mga pulis sa rehiyon na agad tumugon sa anumang emergency situation na dulot ng bagyo.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us