DMW, binigyang direktiba ni Pang. Marcos Jr. na gawing libre ang OFW Pass

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ang Department of Migrant Workers (DMW) na gawing libre para sa mga overseas Filipino worker ang digital OFW Pass.

Layong ng naturang OFW Pass na mapabilis ang exit clearance ng mga OFW na may aktibong kontrata at magtatrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople, natuwa ang Pangulo sa bagong digital app na tutugon sa dekada ng problema ng mga OFW tungkol sa Overseas Employment Certifite  (OEC).

Ngunit ani Ople, mahigpit na bilin ng Pangulo na gawing libre ang OFW Pass para sa mga manggawang migrante.

Tiniyak naman ng opisyal na libreng maida-download ang DMW mobile app kung saan pangunahing feature ang OFW Pass kumpara sa pagkuha ng OEC na nagbabayad pa ng P100.

Hinihintay na lamang ng DMW ang go-signal ng Department of Information and Communications Technology upang matiyak ang cybersecurity features ng nasabing app bago ito mailunsad ngayong lingo. | ulat ni Diane Lear

VIDE: DMW/FB

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us