DMW, nagbigay ng tulong sa apat na OFWs na napauwi mula sa Saudi Arabia

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyan ng tulong ng Department of Migrant Workers (DMW) ang apat na overseas Filipino workers na napauwi sa Pilipinas matapos ipag-utos ng korte ng Saudi ang deportation ng mga ito.

Ang apat na OFWs ay nakulong ng tatlo hanggang limang taon sa Jeddah, Saudi Arabia matapos mabaon sa utang dahil sa biniling sasakyan.

Kinilala ang ito na sina Manuel, isang printing press technician, Edgar, aircon technician, Rey, trailer driver at si Mario na merchandiser.

Sa isang pulong balitaan ngayong araw, sinabi ni DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac na nakatanggap ang apat na OFWs ng tig-P50,000 na tulong pinansyal mula sa ahensya.

Binigyan din ng DMW ang apat na OFWs ng pamasahe para makauwi sa kani-kanilang probinsya.

Susuriin din ng DMW ang level of skills at competencies ng naturang OFWs para sa posibleng redeployment sa ibang bansa o kaya naman local empployment kung pipiliin nilang manatili sa Pilipinas.

Dumating ang apat na OFWs sa bansa nitong Linggo na sinalubong ni Migrant Workers Assistant Secretary Venecio Legazpi. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us