DMW, pinag-aaralan na gawing libre ang Overseas Employment Certificate

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-aaralan na ng Deparment of Migrant Workers o DMW na gawing libre ang Overseas Employment Certificate o yung OFW Pass para sa mga kababayan na magtatrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Toots Ople, ito ang naging direktiba sa kaniya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos makipagpulong ito sa Malacañang.

Kaungay nito, iprinesenta rin ni Ople sa Pangulo ang kanilang bagong mobile app tampok ang mga serbisyong hatid ng DMW para sa mga OFW na makukuha mula sa kani-kanilang smartphones at maaring ma-download sa Google Play at Apple App Store.

Samantala, nais naman ni Pangulong Marcos Jr. na i-integrate ang naturang mobile app sa Bureau of Immigration sa kanilang e-Travel App nang sa gayon ay maisama ito sa e-government app ng pamahalaan. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us