DMW, tiniyak sa mga OFW na naghihintay ng unpaid claims sa Saudi Arabia na nalalapit nang maibigay ang kanilang sahod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang Department of Migrant Wokers (DMW) sa mga kababayang nating Overseas Filipino Workers (OFWs) na naghihintay ng kanilang unpaid claims sa Kingdom of Saudi Arabia na nagsara matapos mabangkarote sa naturang bansa.

Ayon kay DMW Secretary Susan ‘Toots’ Ople, batay sa huling pag-uusap nila ni Royal Highness Crown Prince Mohammad Bin Salman, ibibigay ngayong buwan ang pondo para sa pagbibigay ng compensation ng mga unpaid claims ng mga OFW mula pa noong 2015 hanggang 2018.

Dagdag pa ng kalihim na kasalukuyang nakaproseso pa ang naturang pondo mula sa naturang bansa at inirerespeto nila ang fund process ng naturang bansa.

Sa huli, sinabi ni Secretary Ople na kapag naibigay agad ang naturang pondo ay magsasagawa agad ito ng pay outs para sa mga OFW. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us