DND, walang nakikitang masama sa pakikipagpulong ni dating Pangulong Duterte kay Chinese Pres. Xi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang nakikitang masama ang Department of National Defense (DND) sa pakikipagpulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Gilbert Teodoro nang tanungin ng mga mamamahayag hinggil sa kaniyang naging reaksyon dito.

Sa isinagawang meet and greet ng kalihim sa mga miyembro ng Defense Press Corps at ng FOCAP, sinabi nito na bilang pribadong indibidwal, maaari naman itong gawin ng dating Pangulo.

Gayunman, interesado rin si Teodoro na malaman ang naging laman ng pag-uusap ng dalawa lalo na kung natalakay dito ang aspeto ng pambansang seguridad. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us