DOE, hinikayat ang iba’t ibang stakeholders na palakasin ang paggamit sa solar energy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ng Department of Energy (DOE) ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs), State Colleges and Universities (SUCs), at lokal na pamahalaan na gumamit ng solar energy.

Ayon sa DOE, alinsunod ito sa itinatakda ng isang resolusyon ng Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Committee kung saan, binibigyan nito ang mga nabanggit ng tatlong taon upang makapag-install ng inisyal na 20% solar power supply sa kanilang tanggapan.

Bahagi ito ng Government Energy Management Program, na humihikayat sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na bawasan ang kanilang konsumo sa kuryente ng hanggang 10 porsiyento.

Nakasaad din sa naturang resolusyon, na ang mga tanggapan ng pamahalaan na tatalima at makapaglalagay ng kanilang solar power supply na hindi lalagpas sa 100 kilowatt na kapasidad ay papayagang maging qualified end-user, at maaaring pumasok sa Net-Metering Agreement sa isang distribution utility.

Kaugnay nito, sinabi ni Inter-Agency Chairperson at Energy Secretary Raphael Lotilla, magbibigay-daan ang pakikilahok ng mga ahensya ng pamahalaan sa nasabing programa para mapababa pa ang kanilang buwanang konsumo ng kuryente na maaari pang mailipat sa iba’t ibang serbisyo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us