DOH, naglabas na ng guidelines sa lahat ng healtcare facilities sa bansa para sa paghahanda sa El Niño

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang paghahanda sa pagtama ng El Niño phenomenon sa Pilipinas, naglabas na ng guidelines ang Department of Health (DOH) upang magbigay ng gabay sa mga health care facility sa wastong paggamit ng tubig.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Tayag, layon ng naturang guidelines na magkaroon ng maayos na water management ang bawat healthcare facilities sa bansa dahil isa ang tubig sa pinakamahalagang kailangan ng mga ospital, lalo na kapag nagsasagawa ng surgeries at sa pagpapanatili ng kalinisan at sanitation activities ng mga ito.

Dagdag pa ni Tayag na pinaghahanda rin ng kagawaran ang lahat ng mga healtcare facilities na magsumite ng contigency plan sa naka-ambang na El Niño phenomenon sa bansa.

Samantala, muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na pag-ingatan ang kalusugan upang makaiwas sa anumang sakit dulot ng El Niño. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us