Nagpasalamat ang tanggapan ng Pangasinan Hospital Management System (PHMS) sa natanggap na Newborn Hearing Screening Machines para sa limang pampublikong pagamutan sa probinsya.
Ayon kay Pangasinan Hospital Management System Chief Dr. Dalvie Casilang sa tulong ng nasabing equipmeny ay maagang masusuri ang isang sanggol sa posibleng problema nito sa pandinig.
Ang nasabing donasyon ay bahagi ng Universal Newborn Hearing Screening Program ng Kagawaran ng Kalusugan para sa prevention, early diagnosis at intervention sa mga bagong panganak na sanggol laban sa posibleng pagka-bingi.
Matatandaang sampung lugar sa rehiyon uno ang nakatanggap ng nasabing donasyon at lima ay sa Community Hospital sa Pangasinan partikular sa bayan ng Bolinao, Dasol, Manaoag, Umingan at Pozorrubio. | via Sarah Cayabyab | RP1 Dagupan