DOT, inilunsad an Philippine Tour Packages para sa mga manonood ng FIBA Basketball World Cup 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad ng Department of Tourism ang Philippine Tour Packages para sa mga international fans at mga Pilipino para sa FIBA International Basketball Cup, bilang pagsuporta sa pag-host ng bansa sa nasabing torneo.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang nasabing torneo ay isang pagkakataon para sa Pilipinas upang muling ipakilala ang mga natural cultural assets, mga award winning destinations, at mga umuunlad na lungsod at bayan sa buong bansa.

Dagdag pa ng kalihim, pagkakataon rin ito para sa mga Pilipino na ipakita ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng pag-suporta sa ating pambansang koponan.

Mula Agosto hanggang Setyembre ay maaaring makapag-book at maka-avail ang mga bisita ng FIBA-exclusive tour packages na mayroong 3 days and 2 nights o 4 days and 3 nights sa mga four o five-star hotels sa pamamagitan ng DOT website na www.discoverphilippines.travel

Kabilang sa FIBA tour packages ang Philippines Hop On, Hop Off bus tours, accredited hotel and accommodation options, at travel packages na mayroon at walang airfare. | ulat ni Gab Humilde Villegas

📷: DOT

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us