Lumagda ng Memorandum of Agreement ang Department of Tourism (DOT) at Nissan Philippines para sa pagpapatupad ng programang tinawag na Drive Pinas.
Ang nasabing programa ay may layuning i-promote ang lokal na turismo at ipakita ang mga magagandang tourist spots sa bansa. Layon din ng nasabing programa na maging exciting, inclusive, at sustainable ang travel experience para sa mga turista at mga lokal.
Nagpasalamat naman si Tourism Underseretary Myra Paz-Abubakar sa Nissan Philippines para sa kanilang patuloy na partnership at commitment upang makamit na maipakita ang nakakabighaning ganda ng Pilipinas sa mundo.
Para naman kay Nissan Philippines President Juan Manuel Hoyo, patuloy silang lilikha ng mga innovative na mga sasakyang teknolohiya upang makapag-iwan ng positibong impact sa lipunan at kapaligiran.
Maliban pa sa Drive Pinas, nagsama ang DOT at ang Nissan Philippines sa marami pang proyekto tulad ng ‘Visit the Philippines, Drive to Discover with Nissan’ campaign, at ang kamakailang ‘Safe Trips’ campaign na layong i-promote ang mga lokal na destinasyon at palakasin ang domestic travel sa kabila ng pandemya. | ulat ni Gab Humilde Villegas