DOT Sec. Frasco, pinasalamatan si Pres. Marcos Jr. sa pagsasaprayoridad ng Tourism sector ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Tourism Secretary Christina Frasco kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsasaprayoridad ng pagpapaunlad ng sektor ng turismo sa bansa.

Ayon sa kalihim, isa sa kanyang ikinatuwa ang mas maluwag na pagpasok sa ating bansa dahil tinanggal na ang COVID-19 protocols at restrictions sa bansa.

Dagdag pa ng kalihim na hindi maaabot ng DOT ang tatlong milyong foreign tourists kung hindi dahil sa maayos na polisya at programa ng administrasyon sa muling pagbangon ng turismo sa pagkakalugmok noong kasagsagan ng pandemya. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us