DOTr, aalisin na ang COVID-19 protocols sa lahat ng pampublikong transportasyon sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aalisin na ng Department of Transportation (DOTr) ang COVID-19 protocols at restrictions sa lahat ng pampublikong transportasyon sa bansa.

Ito’y base sa inilabas na Department Order No. 2023-017 na nag-aalis sa lahat ng anumang COVID-19 protocols sa lahat ng pampublikong transportasyon sa bansa.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ito’y matapos na i-lift ng national government ang State of Public Emergency sa buong bansa.

Dagdag pa ni Bautista na agarang ipatutupad ito sa air, land, at sea ports sa buong bansa kabilang na rin ang lahat ng tanggapan at attached agencies ng kagawaran. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us