DOTr, CAAP at mga opisyal ng BARMM, nagpulong kaugnay ng mga gagawing development sa Cotabato Airport

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang ginagawa nilang mga hakbang.

Ito ay para sa pagpapabuti ng mga pasilidad at iba pang development project para sa Cotabato Airport, na bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Kasunod niyan, nakipagpulong sina Transportation Secretary Jaime Bautista, CAAP Director General Antonio Tamayo kina Bangsamoro Minister of Transportation and Communications Paisalin Tago, at Bangsamoro Airport Authority Dir. Roslaine Macao – Maniri.

Kabilang sa mga tinalakay sa pulong ang nagpapatuloy na pagkukumpuni gayundin ang pagpapalawak sa runway ng Cotabato Airport, upang masiguro ang tuloy-tuloy na biyahe ng mga pasahero.

Kasunod nito, magpapadala ng mga engineer on-site ang DOTr at CAAP upang tingnan kung natutupad ang plano sa ginagawang construction activities. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: CAAP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us