DOTr, I-ACT: Tanging emergency marked vehicles ang maaaring dumaan sa EDSA busway

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpaalala ang Department of Transportation (DOTr) katuwang ang Inter Agency Council for Traffic (I-ACT) ang mga motoristang patuloy na dumadaan sa EDSA Busway dahil tanging mga emergency marked vehicle lamang ang maaring dumaan sa naturang exclusive lane.

Ito’y matapos makapagtala kahapon ng nasa 150 traffic violators ang nahuli ng I-ACT sa loob ng buslane.

Ayon sa I-ACT ang naging violations ng mga ito ay paglabag sa RA 4136 o Disregarding Traffic Sign dahil may mga nakalagay na Traffic Signs na bus at tanging marked emergency vehicles lamang ang maaring dumaan sa naturang busway.

Sa huli muli namang nanawagan ang I-ACT sa publiko na panatilihining sumunod sa batas trapiko at huwag maging kamote. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us