DOTr, inaasahan ang pagfi-file ng fare increase ng MRT line 3

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan ng Department of Transportation (DOTr) ang pagfi-file ng Metro Rail Transit (MRT) 3 ng karagdagang fare adjustments sa naturang revenue line ngayong araw.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Ceasar Chavez na ngayong araw ay inaasahan tutungo ang kinatawan ng MRT 3 sa Rail Regulatroy Unit ng DOTR upang maghain ng karagang P2.29 na boarding fee at .21 centavos naman sa karagdagang kilometro.

Dagdag pa ni Chaves na nararapat lamang na magkaroon ng kaunting fare increase ang ating railways systems dahil kanilang gagamitin sa pagpapaganda ng kanilang serbisyo at para sa rin sa maintenance at rehabilitasyon ng mga train cars at rail tracks upang masiguro ang kaigtasan ng pampublikong mananakay.

Matatandaang ilang beses ng sinubukan mag-file ng fare increase ang naturang revenue line ngunit bigo itong makapag sumite ng ilang requirements ng kanilang justification ng kanilang petisyon.| ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us