DOTr, LTFRB, muling nakipagdayalogo sa ilang transport group

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nakipagpulong ang Department of Transportation – Philippines (DOTr) at Transportation Franchising and Regulatory Board sa ilang mga nasa sektor ng pampublikong transportasyon.

Pinangunahan nina DOTr Secretary Jaime Bautista at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Teofilo Guadiz III ang pulong kung saan muling pinakinggan ang boses ng mga tsuper at operator na mayroong panawagan hinggil sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Naging tulay rin aniya ang pulong upang pasalamatan ang mga transport group sa kanilang suporta sa programa ng kagawaran pati ang pananatili sa kanilang serbisyo para sa mga commuter sa gitna ng tigil-pasada nitong Lunes.

Binigyang-diin naman ni LTFRB Chair Guadiz na nananatiling bukas ang kanilang tanggapan upang agarang gawan ng aksyon ang mga hinaing ng mga stakeholder ng pampublikong transportasyon.

Kabilang sa mga grupong nakapulong ng pamahalaan ang Transport Service Cooperatives (TSC), BUSINA, National Federation of Transport Cooperative (NFTC), at “Magnificent 7 + 1” na binubuo ng Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Stop and Go, Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP), at UV Express o ang Mighty 1. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us