DOTr, naglunsad ng commuter hotline

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ang Department of Transportation (DOTr) ng isang special DOTr Commuter Hotline number na tatanggap ng anumang mga commuter-related concerns at iba pang transport issues.

Maaaring tumawag ang mga komyuter sa numerong 0920 – 964 – 3687.

Tatanggap ng tawag ang commuter hotline na ito Lunes hanggang Biyernes, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang DOTr Commuter Hotline ay magsisilbing channel ng ahensya na tatanggap ng mga reklamo at report ng red tape sa loob ng mga opisina at attached agencies ng DOTr.

Ayon pa kay Bautista, inilunsad nila ang hotline dahil kinikilala nila ang papel ng publiko sa pagbuo ng isang malinis at episyenteng DOTr.

Kaya naman hinihikayat ng kalihim ang mga Pilipino na i-report ang kanilang mga reklamo sa inilunsad na commuter hotline. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us