DPWH, magpapatupad ng road reblocking sa weekend

Facebook
Twitter
LinkedIn

Abiso sa mga motorista!

Magsasagawa ng road reblocking and repairs ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila sa weekend.

Batay sa abiso, ito ay magsisimula mamayang alas-11 ng gabi hanggang sa Lunes.

Kabilang sa mga apektadong kalsada ang ilang bahagi ng C-5 Road sa Pasig City, C-3 Road sa Caloocan City, EDSA Northbound at Southbound, McArthur Highway, Rizal Avenue Exit, Roxas Boulevard EDSA Flyover, Mindanao Avenue Northbound at Soundbound, A. Bonifacio Avenue Northbound at Southbound, G. Araneta Avenue, at Commonwealth Avenue.

Ang lahat ng mga apektadong kalsada ay magiging fully passable alas-5 ng umaga ng Lunes, July 10.

Pinapayuhan naman ang mga motorista na humanap ng alternatibong ruta. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us