Nagsagawa ng Dragon Boat Simulation Activitiy ang Lungsod ng Marikina bilang paghahanda sa Palarong Pambansa sa katapusan ng Hulyo.
Isinagawa ang naturang simulation activity sa Marikina River kung saan dinumog ito ng mga namamasyal at nag-eexercise sa naturang lugar.
Ayon kay Marikina City Mayor Marci Teodoro, ito’y upang masiguro ang kahandaan ng naturang venue kung saan isa ang Marikina River na pagdarausan ng Dragon Boat event ng Palarong Pambansa.
Maka-aasa naman, ayon kay Mayor Teodoro, ang seguridad na ipapakalat sa naturang sporting event ng Palarong Pambansa. | ulat ni AJ Ignacio