Inaasahang patuloy ang paglabas ng PAGASA ng abiso tungkol sa El Niño.
Ito ay kaugnay sa mga unang nailabas ng weather bureau na advisories sa banta ng El Niño sa bansa.
Sa isinagawang seminar-workshop ng PAGASA, sinabi ni Ms. Ana Liza Solis, chief ng Climate Monitoring and Prediction Section, Climatology and Agrometeorology Division ng ahensya, na posibleng makaranas ng dry spell ang ilang lalawigan sa Luzon kasama na ang Ilocos Norte hanggang sa katapusan ng Disyembre ngayong taon.
Paliwanag ni Solis na ang dry spell na posibleng maranasan sa lalawigan ay mas mababa ang tiyansa ng pag-ulan o 60% lamang sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan o mas mababa ang rainfall condition sa loob ng dalawang magkasunod na buwan.
Sinabi ni Solis na above normal pa ang tiyansa ng ulan ngayong buwan hanggang Setyembre at pagdating ng Oktubre hanggang Disyembre ay makikita ang posibleng epekto ng Dry Spell para sa Rehiyon 1. | ulat ni Ranie Dorilag | RP1 Laoag