Ipinag-utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga Regional Directors nito na paigtingin ang koordinasyon sa local government units na lubhang naapektuhan ng Super Typhoon Egay.
Partikular na tinukoy ng kalihim ang mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, MIMAROPA, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa ginanap na emergency meeting, binigyang-diin ni Secretary Gatchalian ang kahalagahan ng maayos na koordinasyon ng DSWD field offices sa mga LGU sa pagtiyak na agad na maipapatupad ang mga nararapat na pamamagitan para sa apektadong populasyon.
Pinabibilis din ng kalihim ang paghahanda para sa paglulunsad ng Emergency Cash Transfer program sa mga bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Apayao, Mountain Province, at Cagayan.
Sa darating na linggo, pasisimulan na ng DSWD ang pagbibigay ng cash assistance sa mga pamilyang nasiraan ng bahay.
Bukod dito, ang pagpapatupad ng Cash-For-Work program na tatakbo sa loob ng 30 hanggang 45 araw. | ulat ni Rey Ferrer