Muling magpapadala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng panibagong suplay ng family food packs (FFPs) sa lalawigan ng Albay.
Ito ay bilang tugon sa hiling ng DSWD Bicol Regional Office partikular sa 30,000 FFPs replenishment na kailangan sa Albay warehouse at 6,500 FFPs rin sa Matnog warehouse.
Bukod dito, nanawagan rin ang DSWD Bicol ng karagdagang hygiene kits para sa 2nd wave ng ayuda nito sa evacuees.
Tiniyak naman ng Bicol Regional Office na tuloy tuloy ang pagtutok sa lagay ng mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Albay kasama rito ang mga apektado ring magsasaka at mangingisda.
Sa pinakahuling tala ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of July 17, aabot na sa higit ₱110-milyon ang humanitarian assistance na naipamahagi nito sa mga apektado ng Mayon unrest. | ulat ni Merry Ann Bastasa