DSWD, mamamahagi ng Family Food Packs sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Dodong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang lahat ng regional directors sa Luzon na makipag-ugnayan sa local government units para sa pamamahagi ng relief goods matapos ang pananalasa ng bagyong Dodong.

Sinabi ng kalihim na handang magpadala ng Family Food Packs ang DSWD sa mga affected LGUs.

Binigyang-diin ng kalihim na dapat maging maagap ang mga regional director sa pagtawag sa mga gobernador, alkalde, kongresista, at mag-alok ng tulong.

Kaugnay nito magpapadala na ng Family Food Packs ang DSWD sa Bulacan kahit wala pa itong request.

Kabilang pa sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Dodong ay ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, at Benguet sa Cordillera Administrative Region; Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, ang hilagang bahagi ng Pangasinan sa Ilocos Region, at ang hilaga at gitnang bahagi ng Aurora sa Gitnang Luzon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us