DSWD, naghatid ng relief supplies sa Calayan Island ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

May dalawang libong family food packs ang hinatid ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2 sa Calayan Island.

Ang food packs ay isinakay sa sasakyang pandagat para ipamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Egay at habagat.

Ang hakbang ng DSWD ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdimand R. Marcos Jr. na tutukan ang early recovery at rehabilitasyon ng mga pamilyang lubhang naapektuhan ng kalamidad.

Kahapon ay personal na nagsagawa ng inspeksyon ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga lalawigan ng Ilocos Norte at Cagayan.

Inatasan na rin ng kalihim ang lahat ng Regional Directors nito na tiyakin ang mabilis at walang hadlang na paghahatid ng tulong at serbisyo sa mga pamilya.

Sa ngayon, batay sa datos ng DSWD-Disaster Response and Management Bureau, nasa P2.1 bilyon na halaga ng mga pagkain at non-food items ang nakalatag na sa iba’t ibang DSWD warehouses sa buong bansa. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us