Nagsimula nang magbigay ng augmentation assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lokal na pamahalaan na apektado ni bagyong Dodong.
Sa ulat ng Disaster Response Operations and Monitoring Center, nagpadala ang DSWD Bicol Regional Office ng mga pagkain at non-food items na nagkakahalaga ng P574,437 sa Polangui, Albay.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DSWD sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig para mamonitor ang kalagayan ng 14 na pamilyang inilikas dahil sa sama ng panahon.
Tiniyak ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez sa publiko na patuloy itong magbibigay ng updates hinggil sa status ng disaster response operations nito hanggang makalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Dodong. | ulat ni Rey Ferrer