Sabayang isinagawa ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development -Bicol Regional Office ang Emergency Cash Transfer payout activities sa San Andres, Sto. Domingo at San Jose, Malilipot, Albay.
Abot sa 1,544 benepisyaryo mula sa San Andres at 838 sa San Jose o kabuuang 2,382 apektadong pamilya ang binigyan ng tulong pinansyal.
Bawat pamilya ay pinagkalooban ng tig Php 12,330, para sa kabuuang Php 10,334,084.
Kasalukuyang nasa mga evacuation certer pa rin sa Albay ang mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon.| ulat ni Rey Ferrer