DSWD, nagsimula nang mamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan ng oil spill sa Southern Leyte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umarangkada na ang pamamahagi ng tulong ng Department of Social Welfare and Development sa mga pamilyang naapektuhan ng oil spill sa San Ricardo, Southern Leyte.

Bilang paunang tulong, namahagi ng 300 Family Food Packs ang DSWD sa Barangay Benit, Cabutan at Timba.

Bukod dito, magpapatupad na rin ng Food-for-Work Program ang kagawaran mula sa tatlong barangay.

Tugon ito ng DSWD sa kahilingan ng local government unit para sa coastal clean-up at iba pang gawain na parte ng Prevention and Mitigation Activity nito.

Iniulat ang oil spill noong Hulyo 7 malapit sa Benit Port na nakaapekto ng 300 pamilya o mahigit 900 residente.

Batay sa imbestigasyon ng Philippine Coast Guard, may lawak na isang kilometro na ng karagatan ang apektado ng oil spill. | ulat ni Rey Ferrer

📷: DSWD Eastern Visayas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us