Walang patid na ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong pamilya buhat ng pananalasa ng Habagat at Bagyong Egay
Sa pinakahuling ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of July 27 ay umakyat na sa higit ₱36-million ang halaga ng relief assistance na naipamahagi sa mga apektadong residente.
Kasama rito ang family food packs at cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
Sa kasalukuyan naman ay nasa 158,076 pamilya na o katumbas ng higit kalahating milyong indibidwal ang apektado ng Habagat at Egay sa 11 rehiyon sa bansa.
Mula rito, 8,670 pamilya o higit 29,000 indibidwal ang nananatili sa evacuation centers.
Samantala, umakyat naman sa 112 ang bilang ng mga nasirang tahanan habang 2,186 ang partially damaged. | ulat ni Merry Ann Bastasa