Inalerto na ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang lahat ng concerned regional directors sa posibleng epekto ni Tropical Storm #EgayPH.
Partikular na ipinag-utos ni Secretary Gatchalian sa mga DSWD regional field offices na mahigpit nang makipag-ugnayan sa mga local government units sa probisyon ng relief goods para sa mga pamilya at indibiwal na maapektuhan ng bagyo.
Base sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, nakapaghanda na ang DSWD ng mahigit 1.14 million family food packs at mahigit Php1.12 billion halaga ng non-food items sa buong bansa.
Bukod pa dito ang Php1.73 million standby funds na available sa DSWD Central Office at Field Offices.
Ayon sa PAGASA, posibleng maging super typhoon sa mga susunod na araw si bagyong Egay.| ulat ni Rey Ferrer