DSWD, tiniyak ang sapat na pondo pang-ayuda sa mga apektado ng habagat at bagyong Egay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroon itong sapat na pondo para sa relief assistance sa mga apektado ng habagat at ng bagyong Egay.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, tuloy-tuloy na ang koordinasyon ng kanilang ahensya sa mga LGU officials para mag-augment ng resources.

Sinabi ng kalihim na batay na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay nakatutok na ang mga Regional Offices nito para siguruhing matutugunan ang pangangailangan ng mga biktima.

Dagdag pa ni Sec. Gatchalian, hindi lamang nakatuon ang kanilang atensyon sa Northern Luzon kundi maging sa mga lugar na naapektuhan ng Habagat gaya ng Occidental Mindoro.

Sa pinakahuling tala ng DSWD, aabot na sa higit 100,000 pamilya o katumbas ng 342,096 indibidwal ang apektado ng habagat at bagyong Egay sa 11 rehiyon.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us