DSWD, tiniyak ang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng oil spill sa Southern Leyte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinatayang aabot sa 297 pamilya o 1,118 indibidwal ang naapektuhan ng panibagong oil spill sa Southern Leyte na nangyari noong Biyernes.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development, ang tumagas na langis ay mula sa isang passenger vessel na nakadaong sa pantalan ng San Ricardo.

Apektado na ng oil spill ang may 196 pamilya o 782 indibidwal sa Barangay Benit, 101 pamilya o 335 indibidwal naman sa Barangay Timba.

Ang dalawang Barangay ang lubhang naapektuhan ng oil spill na nakitang nasa loob ng isang kilometro mula sa municipal waters.

Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na ang DSWD sa local government ng San Ricardo para matulungan ang mga apektadong pamilya.

Inirekomenda naman ni San Ricardo Mayor Roy Salinas sa DSWD Eastern Visayas Regional Office ang food-for-work program. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us