Ipinagmalaki ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagawa nila ang kanilang tungkulin na tulungan ang mga naapektuhan ng kalamidad at armadong labanan alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) noong 2022.
Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, bilang bahagi ng kanilang pagtugon, ang DSWD ay nakapaghatid ng 2,372,371 family food packs at 3,723,954 non-food items sa mga local government units noong 2022.
May kabuuang 1,046,559 internally displaced households ang natulungan ng DSWD sa ikalawang semestre ng 2022.
Sa unang semestre ng 2023, mayroong kabuuang 1,352,425 FFPs at 496,977 non-food items ang naipamahagi ng departamento.
Mula Enero hanggang Hunyo 2023, natugunan din ng departamento ang mga pangangailangan ng mga rehiyong apektado ng mga low-pressure area, northeast monsoon, at shear line sa Visayas at Mindanao.
Bukod dito, ang cash assistance na ipinamahagi sa ilalim ng Cash for Work Program at Emergency Cash Transfer (ECT) assistance.
Nagpatupad din ang DSWD ng rehabilitation at recovery programs para sa mga disaster-affected households sa loob ng anim na buwan ng Marcos administration bukod sa iba pang programa. | ulat ni Rey Ferrer