Naglabas na ang Department of Trade and Industry (DTI) ng suggested retail price (SRP) upang matulungan ang mga consumer sa pagbili ng mga gamit sa eskwela.
Sa nasabing price guide, nakapaloob ang presyo ng partikular na brand ng mga notebook (composition, spiral, and writing), pad paper (Grades 1-4 and intermediate), lapis, ballpen, crayons, pambura, pantasa, and rulers.
Nitong July 2023, ang presyo ng notebook ay naglalaro mula P23 to P52; habang ang mga pad paper na pang-Grade 1 hanggang Grade 4 ay naglalaro ang presyo sa P21 hanggang P28; at ang mga intermediate pad paper naman ay naglalaro ang presyo mula P31 hanggang P48.75.
Ang presyo naman ng mga writing material tulad ng lapis ay naglalaro mula P11 hanggang PHP17, at ang ballpen ay naglalaro naman mula P9.75 to P19.
Ang presyo naman ng crayons na may walong kulay ay naglalaro mula P12 hanggang P34.
Habang ang crayons naman na may 12 kulay ay nagkakahalaga ng P32.00; ang presyo naman ng crayons na may 16 na kulay ay naglalaro mula P24 hanggang P69, depende sa brand.
Samantala, ang mga eraser na may small, medium, and large sizes ay naglalaro ang presyo mula P4.50 hanggang P20.
Ang mga pantasa ay nagkakahalaga mula at P18 to P69, habang ang ruler naman ay nagkakahalaga ng P22 to P27.75.
Ayon kay DTI Undersecretary Atty. Ruth Castelo, nakita nila na may pagtaas ang presyo sa ilang school supplies dahil na rin sa pagtaas ng global cost ng mga basic raw material habang ang presyo naman ng ibang produkto ay hindi apektado ng nasabing paggalaw.
Nakikipag-uganayan na rin ang DTI sa mga manufacturer, upag matiyak na makatwiran ang presyong ipapataw sa school supplies at sapat ang supply nito sa merkado. | ulat ni Gab Villegas