Nakapagtala ang Department of Trade and Industry (DTI) ng nasa ₱73.75-billion pesos na pamumuhunan mula sa paglahok ng ating bansa sa 3-week Europe Investment Road Show sa Europa.
Ayon kay Trade Secretary Alberto Pascual, sa naturang halaga ng investment pledges, nakuha ito mula sa limang bansa —Brussels, France, United Kingdom, Netherlands, at Germany.
Kung saan nasa 48 project investments ang nakuha ng bansa mula sa mga industriya ng manifacturing, renewable energy, information technology, clinical and healthcare management, at mula sa infrusturture industry.
Dagdag pa ng kalihim na malaki ang maiaambag nito sa kasalukuyang ekonomiya ng bansa at maghahatid ng karagdagang trabaho sa ating mga kababayan. | ulat ni AJ Ignacio