DTI, QC LGU, lumagda ng kasunduan para sa pag-integrate ng kanilang mga registration systems

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda ng Memorandum of Agreement ang Department of Trade and Industry at Quezon City Government para sa pag-integrate ng Business Name Registration System ng DTI at Online Unified Business Permit Application System ng QC LGU.

Layon ng nasabing integration na i-streamline ang mga procedure at requirements ng mga LGU sa pamamagitan ng automatic verification ng Business Name Registration System.

Sa pamamagitan nito, hindi na required magsumite ng Business Name Registration certificate sa mga LGU na magpapagaan sa mga nagnanais na magtayo ng sarili nilang negosyo.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, marami pang lungsod ang nakatakdang magkaroon ng integration sa kanilang registration system sa pagitan ng DTI at mga LGU. Sinabi rin ng kalihim na patuloy na nagsisikap ang DTI na makahikayat pa ng maraming investments na magbibigay ng mas magandang trabaho na may mas nakabubuhay na sweldo para sa mga Pilipino.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us