DTI Sec. Pascual, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapatibay ng trade cooperation sa pagitan ng Pilipinas at China

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ang kahalagahan ng trade cooperation sa pagitan ng Pilipinas at China, partikular sa larangan ng investment relations.

Sinabi ng kalihim na pwedeng paglagakan ng investment ng mga Chinese enterprises sa bansa ang mga sektor tulad ng petrochemicals, agrikultura, e-commerce, logistics, medical at health industries, green industries, turismo, edukasyon, at marami pang iba.

Binanggit rin ni Pascual ang paborableng business climate sa bansa dahil sa strategic geographical location nito at sa mga kamakailang mga repormang ipinatupad tulad ng mga pinasimpleng proseso, pinaigting na transparency, at i-promote ang mga investment-friendly policies.

Ang China ang pinakamalaking pinagkukunan ng imports ng Pilipinas at pangatlo sa pinakamalaking export destination ng bansa noong 2022. Sa naging pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa China, aabot sa US$22.8-bilyong dolyar ang halaga ng naiuwi nitong investments. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us