Hinikayat ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na mamuhunan sa bansa kung saan binigyang diin nito ang mga mid-tier Malaysian companies na dapat ikonsidera ang Pilipinas bilang strategic choice sa kanilang operational expansion.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng kalihim sa harap ng mga kasapi ng Malaysian International Chamber of Commerce and Industry, Malaysian Consortium of Mid-Tier at mga business executives na ang kanilang presensya ay nagsisilbing matibay na indikasyon ng matagal nang ugnayan ng mga Filipino at Malaysian business leaders tungo sa mutual economic growth.
Pinagtibay din ng DTI Chief ang commitment ng gobyerno ng Pilipinas na nakabalangkas sa kamakailang mga policy reforms na pinagtibay ng gobyerno ng Pilipinas, kabilang dito ang Ease of Doing Business Act, at Executive Order No. 18 sa Green Lanes for Strategic Investments.
Iniharap rin ni Kalihim Pascual ang mayamang agricultural at marine resources, na mahalaga sa lumalaking pangangailangan para sa produksyon ng pagkain at seafood sa rehiyon.
Binigyang-diin din nito na palalakasin ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ang partisipasyon ng bansa sa regional supply chains na makakaakit ng mas maraming foreign direct investments (FDI). | ulat ni Gab Humilde Villegas