Dynaslope Project ng DOST-PHIVOLCS, makatutulong sa mga komunidad tuwing may kalamidad sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasinayaan ng Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) ang muling paghihikayat sa mga lokal na pamahalaan at publiko, ang pagkakaroon ng Early Warning System for Landslide (EWS-L).

Sa pamamagitan ng Dynaslope Project ay nailalapit sa bawat komunidad sa bansa ang impormasyon at mga pagsasanay na dapat maisagawa sa panahon ng kalamidad.

Ayon kay DOST-PHIVOLCS Director Doctor Teresito Bacolcol, umaasa ang ahensya na madadagdagan pa ang bilang ng mga komunidad o lokal na pamahalaan na nais ma-asses ang kanilang lugar, at mapabilang sa matutulungan ng proyektong ito.

Simula 2016 ay mayroon nang 52 sites ang nabigyan ng equipments tulad ng sensors mula sa Dynaslope Project, na makatutulong sa mga komunidad na malaman ang wastong pagtugon sa oras ng pangangailangan.

Ayon naman kay Dynaslope Project Chief Technical Specialist Engr. Roy Albert Kaimo, nasa 50% ng mga Pilipino sa bansa ang walang access sa Early Warning System.

Nagmumula mismo sa proyekto ang mga equipment tulad ng mga sensor na ginagamit dito na nagkakahalaga ng mula P200,000 hanggang P500,000. | ulat ni Mary Rose Rocero

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us