Economically-affected families sa paligid ng Bulkang Mayon, binigyan ng food packs ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagkalooban na ng family food packs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang economically-displaced families sa Camalig, Albay ngayong araw.

Ang mga benepisyaryo ay mga nakatira sa loob ng 7- 8 kilometer danger zones pero nasa loob ng 5-6 km ang kanilang kabuhayan.

Ilan sa displaced residents ay mga laborer ng quarry operators sa restricted areas sa paligid ng Mayon Volcano.

Nauna nang binigyan ng family food packs ang 812 apektadong pamilya sa Barangay Anoling at kanina ang 622 pamilya sa Barangay Quirangay sa bayan ng Camalig.

Ang mga apektadong pamilya ay pinagbabawalang ituloy ang kanilang kabuhayan sa danger zones dahil sa banta ng aktibidad ng bulkang Mayon.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us