EDSA Bus Carousel, mananatili — DOTr Sec. Bautista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi aalisin ng Department of Transportation (DOTr) ang operasyon ng EDSA Bus Carousel.

Ito ang tugon ni Transportation Secrwtary Jaime Bautista kasunod ng hirit ng ilang city bus operators na ibalik sa kanila ang kanilang pre-pandemic routes kabilang na ang EDSA at alisin na lang ang bus carousel.

Para sa kalihim, walang rason para alisin ang EDSA Bus Carousel lalo’t maganda ang pagbibigay serbisyo nito.

Nakikita rin aniya ng publiko ang ibinibigay nitong ginhawa sa mga pasahero pati na ang mas mabilis na biyahe nito.

Dagdag pa ng kalihim, mahirap na ibalik ang dating sitwasyon ng mga bus sa EDSA dahil matindi ang idinudulot nitong trapiko.

Una nang sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Teofilo Guadiz na sisikapin nitong matugunan ang mga hinaing na ipinarating ng mga bus operator. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us