Ipinagdiwang ng Embahada ng Japan ang ika-69 na anibersaryo ng Japan Self-Defense Forces sa tahanan ng Embahador ng Japan sa Makati.
Dinaluhan ang nasabing okasyon ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), mga opisyal ng pamahalaan, at mga kasapi ng Diplomatic Corps.
Sa kanyang pambungad na pananalita, nagpahayag ng pagiging positibo si Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa at nagpasalamat sa pagkakaroon ng malapit na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Binanggit ni Koshikawa na patuloy na umuusbong ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa lalo na sa larangan ng defense at security magmula ng maupo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Binigyang-diin naman ng embahador na pinalakas ng Japan ang commitment nito para sa pagkakaroon ng peace at stability sa rehiyon upang makamit ang isang “Free and Open Indo-Pacific Region”. | ulat ni Gab Humilde Villegas