Embahada ng Pilipinas sa Cairo, pinaaalis na ang mga Pilipino sa nasabing bansa para na rin sa kanilang kaligtasan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling inabisuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo ang mga Pilipino sa Sudan na umalis na sa nabanggit na bansa para na rin sa kanilang kaligtasan.

Ito ang inihayag ng embahada kasunod ng tumitinding tensyon sa pagitan ng iba’t ibang paksyon sa nasabing bansa.

Dahil dito, tuloy-tuloy ang ginagawang mga hakbang ng pamahalaan upang alalayan ang mga Pilipinong nagnanais na lumikas.

Kasunod niyan, inabisuhan ng embahada ang mga Pilipino na nagnanais lumikas patungong Egypt na sumunod sa mga inilatag na panuntunan at maagang mag-apply ng kanilang visa.

Kinakailangan ito upang makakuha ng clearance at temporary entry mula sa Egyptian Government alinsunod na rin sa pabatid ng Ministry of Foreign Affairs ng nabanggit na bansa.

Dapat ding ibigay ng mga Pilipino ang buo nilang impormasyon kahit na iyong mga daraan sa Port Sudan at kailangan ding may dala silang sapat na pera, pagkain.

Sigurihin din dapat ng mga Pilipinong nasa Sudan at nagnanais lumikas na bitbit nila ang kanilang pasaporte at agad ipagbigay alam sa embahada kung ito’y paso na o nawala.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us