Embahada ng Pilipinas sa Italy, nagbigay paalala sa OFWs na mag-ingat sa matinding init dulot ng heat wave

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay paalala ang Embahada ng Pilipinas sa Italy sa mga overseas Filipino worker (OFW) na mag-ingat sa heat wave dahil sa labis na init ng panahon na kanilang nararanasan sa naturang bansa.

Sa inilabas na abiso ng Italian Ministry of Health na ilang lungsod sa Italya ang nakataas sa red alert level kung saan pumapalo sa mahigit 40 degrees Celsius ang temperatura doon at inaasahang tumagal pa ng ilang araw

Batay sa pagtaya ng Department of Foreign Affairs na nasa halos 200,000 na mga overseas Filipino ang kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa nasabing bansa.

Dahil sa nasabing kalagayan ay pinayuhan ang ating mga kababayan, lalo na mga senior, mga buntis, at mga bata na huwag magbabad sa labas at ugaliing uminom ng tubig dahil sa sobrang init dulot ng heat wave. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us