Emergency System Maintenance ng Landbank, natapos na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakabalik na sa normal ngayong gabi ang sistema ng Landbank of the Philippines.

Ito’y dahil sa natapos na isinagawang Emergency System Maintenance ng naturang bangko na nagsimula kaninang umaga.

Ayon sa Landbank, maaari na muling magsagawa ng transaksyon sa kanila gamit ang Automated Teller Machine o ATM, digital banking at customer channels nito

Kaninang hanggang alas-5 ng hapon, pinalawig pa ng Landbank ang operasyon sa lahat ng kanilang sangay para sa over the counter withdrawal.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng Landbank sa mga apektado nilang kliyente. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us