Patuloy na tinatamasa ng Pilipinas ang interes ng European countries na mamuhunan sa bansa, partikular ang France, United Kingdom, Belgium, the Netherlands, at Germany.
Pahayag ito ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual kasunod ng tatlong linggong road show na isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Europa.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na ilan lamang sa mga tinatangkilik ng mamumuhunan sa bansa ay ang strategic location ng Pilipinas.
Kabilang din dito ang malaking populasyon ng bansa, na mangangahulugan ng magandang merkado.
Gayundin ang bata, talentado, at skilled workforce ng Pilipinas.
Bukod pa dito aniya ang natural resources ng bansa.
Sabi ng kalihim, sa pananatili niya sa Europe, nagkaroon rin siya ng pagkakataong makausap ang EU Commission.
Ginamit aniya nila ang pagkakataon upang bigyang diin ang mahahalagang reporma na ipinatupad na ng pamahalaan, upang gawing business friendly environment ang Pilipinas.
“You will recall that a number of reform measures have been done, the amendment to the public service act; the amendment to the foreign investment act; the amendment to the retail, trade liberalization law; and then, the passage of the CREATE act; and then the relaxation of ownership restrictions that we did recently for renewable energies; and then also, our openness to engage other countries.”—Secretary Pascual. | ulat ni Racquel Bayan