First Lady Liza Araneta Marcos, pinangunahan ang paglulunsad ng ‘Lab For All’ Project sa Bulacan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang paglulunsad ng community-based healthcare project na “Lab For All: Laboratoryo, Konsulta, at Gamot para sa Lahat” sa City Sports Complex ng San Jose Del Monte, Bulacan ngayong araw.

Hatid ng Lab For All ng mga libreng serbisyong medikal gaya ng pisikal at medikal na eksaminasyon, libreng konsultasyon, mga pangunahing laboratory tests tulad ng blood chemistry at hematology, ECG at digital X-ray, at hindi rin mawawala ang libreng gamot.

Dumalo sa nasabing aktibidad sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, DILG Secretary Benhur Abalos, DOH Undersecretary Eric Tayag, Bulacan Vice Governor Alex Castro, City of San Jose Del Monte, Bulacan Mayor Arthur Robes, CSJDM Representative Rida Robes, at iba pang mga opisyal ng pamahalaan.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Unang Ginang na ang Lab For All ay layong makapagbigay ng equitable access sa de kalidad at abot-kayang serbisyong medikal. 

Ito rin ay isa sa mga pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin at i-angat ang sektor ng kalusugan, na itinuturing niyang isa sa mga susi upang makamit ang isang mas matatag na bansa.

Ayon naman kay Congresswoman Rida Robes, aabot sa 3,000 ang nabiyayaan ng serbisyo ng Lab For All.

Nakapagbigay na ng serbisyong medikal ang Lab For All sa mga residente ng Batangas City, Baguio, Tarlac, at Laguna. Susunod na pupuntahan ng Lab For All ang mga underserved areas ng Zambales at Baseco sa Maynila. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us