Sapilitan nang inilikas ng Department of Social Welfare and Development ang 50 pamilya na nadiskubreng hindi pa umaalis sa loob ng 6-kilometrong permanent danger zone sa paligid ng Mayon Volcano sa Albay.
Ang mga nanganganib na pamilya ay nadiskubre ng DSWD Field Office V’s Disaster Response Management Division nang magsagawa ng inspeksyon sa Barangay Anoling.
Matapos makipagpulong kay Camalig town Mayor Caloy Baldo ang DSWD field office, agad ipinatupad ang forced evacuation sa mga residente.
Sa tulong ng Camalig Municipal Police Station, Municipal Social Welfare and Development Office at Municipal Disaster Response and Management Office ng Camalig local government unit, inalis ang mga pamilya sa panganib na lugar. Inilipat sila sa itinalagang temporary shelter sa Baligang Elementary School.isinasagawa pa ang validation upang malaman ang kanilang eksaktong bilang. | ulat ni Rey Ferrer