Pinuri rin ni Assistant Minority Leader at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang pagiging ganap na batas ng New Agrarian Emancipation Act.
Kasabay naman nito ay nanawagan ang mambabatas na isulong din ng Marcos Jr. administration ang bagong land reform program.
Punto ni Brosas, mula nang magtapos ang CARP noong 2014 ay wala nang bagong lupaing naipamahagi sa mga magsasaka.
Apela din nito sa chief executive na palakasin ang suporta at subsidiya para sa mga magsasaka na iniinda ang patuloy na pagtaas sa presyo ng agricultural input kagay ang pataba sa lupa.
“Malaking problema rin sa mga magsasaka ang patuloy na pagtaas ng agricultural production costs bunga ng nagtataasang presyo ng langis at fertilizer. Ang presyo ng pataba ay tumaas ng P1,343 hanggang P2,144 at aabot na ngayon mula P2,243 hanggang P3,094 per bag,” saad ni Brosas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes